HOW TO PREVENT MOTORCYCLE ACCIDENT I SAFETY MOTO VLOG | KaSafetyKo

#motorcyclesafety #motorcyclesafetytipsfornewdrivers #safetymotovlog

KaSafetyKo welcome to our channel!
6 Safety Tips for Motorcycle Riders, effective and easy to follow.

In this video KaSafetyKo you've learned the effective and easy to follow motorcycle safety tips to prevent accidents in the street. Mahalagang malaman natin ang ating alituntunin sa kaligtasan habang tayo ay nagmamaniho ng ating motorcycle sa lansangan.

Halos araw-araw ay may naitatalang aksidente sa lansangan at maladas ang nasasaangkot dito ay ang kapwa nating driver na nagmomotor. Kaya sa ganitong paraan, ninais kong gawin ang video blog na ito na sa actual na nasaksihan kong aksidente sa kalsada.

Nakakaawa tingnan mga KaSafetyKo ang kapwa driver na naghihinagpis sa sakit dahil sa mga tinamong injury dulot ng aksidente. Ito ang nagtulak sa akin na ibahagi ko ang aking nalalaman sa larangan ng Occupational Safety and Health para makatulong sa iba.

Nais kong lahat ng mga kasama nating driver lalo na sa kapwa nating nagmomotor araw-araw papasok sa trabaho ay dapat na makapanood nito upang sa ganon ay maiwasan nila ang posibling aksidente at problema na idinidulot nito sa kanilang pamilya at sa trabaho.

KaSafetyKo, kung hindi ka su-swertihing mabuhay sa aksidente na kasasangkutan mo sa kalsada dahil sa kulang ka ng kaalaman, napakalaking problemang idudulot nito sayong maiiwan na pamilya.

Kaya dapat KaSafetyKo, dobleng pag-iingat ang ating gawin para tayo ay manatiling ligtas sa ating pagmamaniho at ng makauwi tayo sa ating pamilya ng buhay, masaya, malusog at mayakap ang pamilya.

Salamat mga KaSafetyKo. RIDE SAFELY ALWAYS!

Don't forget to share, like this video and subscribe!

https://www.bensound.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Posted by: raines on